Saturday, June 11, 2011

SSS Communion SONGS III

TANGING YAMAN

(Koro)

Ikaw ang aking tanging yaman, na di lubusang masumpungan. Ang nilikha Mong kariktan, sulyap ng ‘Yong kagandahan.

(1)

I’ka’y hanap sa t’wina nitong pusong Ikaw lamang ang saya. Sa ganda ng umaga, nangungulila sa ‘Yo sinta. (Koro)

(2)

Ika’y hanap sa t’wina sa kapwa ko Kita laging nadarama. Sa Iyong mga likha, hangad pa ring masdan ang ‘Yong mukha. (Koro)

SA ‘YO LAMANG

(1)

Puso ko’y binihag Mo, sa tamis ng pagsuyo. Tanggapin yaring alay; ako’y Iyo habang buhay.

(2)

‘Anhin pa ang kayamanan, luha at karangalan? Kung Ika’y mapasa’kin, lahat na nga ay kakamtin.

(Koro)

Sa ‘Yo lamang ang puso ko; sa ‘Yo lamang ang buhay ko. Kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa.

(3)

Tangan kong kalooban, sa Iyo’y nilalaan, dahil atas ng pagsuyo, tumalima lamang sa ‘Yo. (Ulitin ang Koro ng dalawang bese. Mas mataas na tono ang pangalawa)

ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BAYAN

Katulad ng mga butil na ititipon, upang maging tinapay na nagbibigay-buhay. Kami nawa’y matipon din at maging bayan Mong giliw.

(Koro)

Iisang Panginoon, iisang katawan, isang bayan, isang lahi sa ‘Yo’y nagpupugay. (2x)

(2)

Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak: Sino mang uminom nito: “May buhay na walang hanggan.” Kami naway maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag. (Koro)

PANGINOON, AKING TANGLAW

(1)

Panginoon, aking tanglaw, tanging Ikaw ang kaligtasan. Sa panganib, ingatan ako, ang lingkod mong nanalig sa ‘Yo.

(Koro)

Ang tawag ko’y ‘Yong pakinggan, Lingapin Mo at kahabagan.

(2)

Anyaya Mo’y lumapit sa ‘Yo, h’wag magkubli, h’wag Kang magtago. Sa bawat sulok ng mundo, ang lingkod mo’y hahanap sa ‘Yo. (Koro)

(3)

Panginoon, aking tanglaw, tanging Ikaw ang kaligtasan. Sa masama, ilayo Mo ako, Ang sugo Mong umiibig sa ‘Yo.

MANALIG KA

(1)

Iluom lahat ng takot sa inyong damdamin. Ang pangalan N’ya’y lagi ang tawagin at S’ya’y nakikinig sa bawat hinaing.

(2)

Magmasid at mamulat sa Kanyang Kapangyarihan. Nabatid mo na ba S’ya’y naglalaan, patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan.

(3)

Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata. Hindi S’ya panaginip, hindi S’ya isang pangarap, S’ya’y buhay, manalig ka.

(4)

Ang ngayon, tila wlang mararating na bukas, ngunit kung Sa ang ating hahayaang maglandas, pag-asa ay muling mabibigkas. (Ulitin ang #3)

(5)

Manalig ka! Tuyuin ang luha sa mga mata. Hindi S’ya natutulog, hindi nakakalimot. Kay Hesus manalig ka. Manalig ka!

O YAHWEH KO

(1)

O Yahweh ko. O aking D’yos, sa Iyo ko nasumpungan: Yaong aking minimithi at hangad na kaligtasan. Iligtas Mo sana ako, sa pag-usig ng kaaway. Tinutugis nila ako, hindi sila naglulubay.

(2)

Kapag ako ay inabot, sila’y leon ang katulad, tatangayin nila ako, sa malayo itatakas. At kung ito’y mangyayari, pihong walang maliligtas, dudurugin nila ako, luluraying walang habag.

(3)

O Yahweh ko, bumangon Ka, puksain Mo ang kaaway. Ako’y Iyong ipagtanggol sa malupit nilang kamay. Gumising ka’t sagipin Mo, ako ngayon ay tulungan, yamang ito ang hangad Mo: Maghari ang katarungan.

ANG KALULUWA KO’Y NAUUHAW

(1)

Katulad ng lipang tigang walang tubig ako’y nauuhaw; O D’yos, hangad Kitang tunay, sa Iyo ako’y nauuhaw.

(2)

Kaya Ika’y minamasdan, doon sa Iyong dalangin; nang makita kong Ika’y minamasdan, doon sa Iyong dalangin; nang makita kong lubusan, lakas Mo’t kaluwalhatian.

(Koro)

Ang kaluluwa ko’y nauuhaw, sa Iyo, O Panginoon ko.

(3)

Ang kagandahang-loob Mo, higit sa buhay sa mundo; kaya ako’y magpupuri, ngalan Mo’y aking sasambitin. (Koro)

KUNG SIYA ANG TUMAWAG

Maging sa kabundukan, o sa karagatan man, sa ilang at parang, panawagan au bumukal. Kung ang yaring atas ay aking ipamansag, mga gawa at habilin Mo sa lahat ng mga bansa. Sapat nang ang marinig ay yaong Iyong tinig, ang tugon ko, Panginoon, ayon sa ‘yong iniibig.

MG PUNONG KABANALAN (Beatitudes)

(1)

Mapapalad ang umiibig sa buhay na aba, sila’y makakasama sa langit ng Ama.

(Koro)

Hesus, ako’y di dapat sa “Yo ay tumanggap, ngunit sa salita Mo ay gagaling na ako.

(2)

Mapapalad ang nahahapis ang D’yos ang S’yang aliw, ligaya at liwanag ang s’yang makakamtan. (Koro)

(3)

Mapapalad ang naawa sa taong dalita, sila’y kakaawaan at tutulungan N’ya (Koro)

(4)

Mapapalad ang umiibig sa galit ng iba, sila’y magtatagumpay at di mabibigo. (Koro)

(5)

Mapapalad ang umiibig, masunurin sa D’yos, makakamtan ang nais kay Kristong tumubos. (Koro)

(6)

Mapapalad ang tumatangis, sila’y magagalak. Mapalad ang magutom, Ama ang bubusog. (Koro)

(7)

Mapapalad ang inuusig ng dahil kay Hesus, ang langit at biyaya, makakamtang lubos. (Koro)

(8)

Mapapalad ang umiibig sa kapwa at sa D’yos, habilin ‘to ni Kristong sa ati’y tumubos. (Koro)

ANG MABUHAY SA PAG-IBIG

(1)

Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay na di nagtatany’ya ng halaga. At hindi nahihintay ng kapalit; pagbibigay walang pasubali. Naibigay ko nang lahat, magaan akong tumatakbo, dukha man ako sa lahat, dukha man ako sa lahat. Ang tangi kong yaman ay mabuhay sa pag-ibig.

(2)

Ang mabuhay sa pag-ibig ay paglalayag na hantunga’y payapa’t may galak. Sa maalab na udyok ng pag-ibig, hinahanap Kita sa ‘king kapwa. At S’yang tanging tumatanglaw: bbituing sa aki’y patnubay. Diwa sa pagalakbay, sandigan, akas at tibay, laging awit ang sagisag, ang mabuhay sa pag-ibig.

(3)

Ang mabuhay sa pag-ibig ay maging bihag, sa tawag ng pagmamahal ng Diyos. Papawiin N’yang lahat ang panimdim, sa gunita dhas ay limutin. Sisidlang putik man ako, kayamanan Ka ng puso ko. Ang gantimpala ko’y Ikaw, pag-asang natatanaw: ang pumanaw sa sarili ay mabuhay sa pag-ibig.

DIYOS AY PAG-IBIG

(1)

Pag-ibig ang siyang pumukaw, sa ating puso at kalul’wa. At siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa.

(2)

Pag-ibig , ang siyang buklod natin, di mapapawi kailn p man. Sa puso’t diwa, tayo’y isa lamang, kahit na tayo ay magkawalay.

(Koro)

Pagkat ang D;yos nati’y D’yos ng pag-ibig, magmahalan tayo’t magulungan; at kung tayo’y bigo ay h’wag limutin: na may Diyos tayong nagmamahal.

(3)

Sikapin sa ating pag-suyo, ating ikalat sa buong mundo: pag-ibig ni Hesus, ang siyang sumakop sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo. (Koro)

(Finale)

Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig.

LIWANAG NG AMING PUSO

(1)

Liwanag ng aming puso, sa ami’y manahan Ka. Ang init ng ‘Yong biyaya, sa amin ipadama. Patnubay ngg mahihirap, O aming pag-asa'’ gabay. Sa aming saya at hapis, tanglaw Kang kaayaaya.

(2)

Liwanag ng kaaliwan, sa ami’y dumalaw Ka. Kalinga Mo ang takbuhan noong unang-una pa. Pawiin ang aming pagod, ang pasani’y pagaanin. Minamahal kong kandungan, sa hapis kami’y hanguin.

(3)

Liwanag ng kabanalan, sa ami’y mamuhay Ka. Ang ningas ng Yong pag-ibig ang siyang magsilbing gabay. Pag nalayo Ka sa amin, ang tao’y walang halaga. Di namin makakayanan hanguin ang kaluluwa.

(4)

Liwanag ng aming puso, sa ami’y manahan Ka. Idulot mo po sa amin: kapayapaang wagas. Ang ‘Yong gantimpala’t mana, pangako Mong kasarinlan. Ang bunga ng pagkandili: Ligaya magpakailanman.

TAWAG NG PAGLLINGKOD

(Koro)

Kaya narito ako sa Iyong harapan upang ako ay tumugon na mayroong pagmamahal, sa pagsasasambayanan.

(1)

O D’yos ikaw ang aking hantungan, t’wina’y tumatawag maglaan ng puso at buhay sa sambayanan upang ika’y paglingkuran. (Koro)

(2)

Ako’y iyong ginagabayan sa pagtahak sa landas ng buhay, ako’y kinukupkop at iniingatan ng iyong pagmamahal. (Koro 2x)

SALU-SALO

(1)

Sama-sama sa salu-salo sa handaan ni Kristo; Buhay Niya ay narito alay sa inyo!

(2)

Sama-sama sa salu-salo sa handaan ni Kristo ang tinapay at alak, alay sa inyo.

(Koro)

Ang katawan Nya at ang dugo, tinapay at alak sa ating puso magsalu-salo tayong lubos, magsalo’t sambahin ang ating Diyos. (Ulitin ang Koro, Coda: Verse 1)

No comments:

Post a Comment