Saturday, June 11, 2011

SSS Communion SONGS IV

IKAW ANG AKING DIYOS

(1)

O D’yos Ikaw ang aking D’yos, na lagi kong hinahanap; Ang uhaw kong kaluluwa’y, tanging ikaw lang ang hangad.

(Koro)

Ang wagas na pag-ibig Mo, higit pa kaysa buhay; Kaya ako’y magpupuri, Ikaw ang pag-uukulan. Habang ako’y nabubuhay laging magpupuri, ako ay dadalangin na kamay ay nakataas.

(2)

Bayaan mong sa lugar na dakong banal; Ika’y mamasdan ko sa likas Mong karangalan. (Koro)

(3)

Ang aking kaluluwa kakaing maligaya, magagalak na aawit ng papuring iaalay. (Koro)

ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL

(Koro)

Ang Panginoon ang aking pastol, pinagiginhawa akong lubos.

(1)

Handog N’yang himlaya’y sariwang pastulan, Ang pahingahan ko’y payapang batisan. Hatid sa kalul’wa ay kaginhawahan sa tumpak na landas, siya ang patnubay. (Koro)

(2)

Madilim na lambak man ang tatahakin ko, Wala akong sindak, Siya'’ kasama ko. Ang hawak N'’ang tungkod ang siyang gabay ko, Tangan N’yang pamalo, sigla’t tanggulan ko. (Koro)

SA DIYOS LAMAMNG MAPAPANATAG

(Koro)

Sa D’yos laang mapapanatag ang aking kaluluwa, Sa Kanya nagmumula ang aking pag-asa at kaligtasan.

(1)

O D’yos, ikaw ang aking kaligtasan, Na sa ‘yo aking kal’walhatian; Ikaw lamang aking inaasahan: Ang aking moog at tanggulan. (Koro)

(2)

Paniniil di ko pananaligan, Puso’y di ihihilig sa yaman, kundi sa Diyos na makampayarihan, na aking lakas at takbuhan. (Koro)

(3)

Poon, ika’y puno ng kabutihan, Pastol Kang nagmamahal sa kawan; Inaakay sa luntiang pastulan, Tupa’y hanap mo kung mawaglit man. (Koro)

PANATA SA PUSO

(1)

Pusong mahal, ang pintig Mo ay tawag ng pag-ibig. Banayad Mong bulong sa ‘kin ay kay gandang himig. Sa ‘Yong bulong aking puso’y sadyang naakit, ngunit aking sala ay ‘Yong pasakit.

(2)

Ganun pa man manalig ako sa ‘Yong habag. Nawa’y Iyong kalingain itong punlang tawag. Di man ako handang lubos, ako'’ manunumpa; puso Mong kasabay magtataya.

(Koro)

Kahit pangamngambang sa “Yo ay mag-alay, batid ko rin naman, Ikaw ang buhay. Kaya ako ngayon’y manunumpa. Ako ay Iyo habambuhay. (Ulitin ang Verse 2 at Koro)

AWIT NG PAGHAHANGAD

(1)

O D’yos, Ikaw ang laging hanap. Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad. Nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.

(2)

Ika’y pagmamasdan sa dakong banal nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal. Dadalangin akong nakataas aking kamay, magagalak na aawit ng papuring iaalay.

(Koro)

Gunita Ikaw habang naghihimlay ‘pagkat ang tulong Mo sa tuwina’y taglay. Sa lilim ng Iyong pakpak umaawit akong buong galak.

(3)

Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo.

Kaligtasa’y t’yak kung hawak Mo ako. Magdiriwang ang hari ang D’yos S’yang dahilan. An sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan.

HINDI KITA MALILILMUTAN

Hindi kita malilimutan. Hindi kita pababayaan. Nakaukit magpakailanman sa ‘king palad ang ‘yong pangalan. Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya? Sanggol sa kanyang sinapupunan, paano n’ya matatalikdan? Ngunit kahit na malimutan ng ina ang anak n’yang tangan. Hindi kita malilimutan, kailan ma’y di pababayaan.

KAHANGA-HANGA

(Koro)

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan, O Panginoon, sa sangkalupaan; Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan sa buong kalangitan.

(1)

Pinagmasdan ko ang langit, Na gawa ng ‘Yong mga kamay, Ang buwan at mga bituin na, Sa langit ‘Yong inilagay. (Koro)

(2)

O sino kaya siyang tao, Na Iyong pinagmamasdan? Ginawa Mong anghel ang katulad, Pinuno Mo ng karangalan. (Koro)

(3)

Malayo man ang tao sa lupa, Sakupin man niya ang buwan, Ikutin man ang kalangitan, Ang D’yos din ang dinadatnan. (Koro)

(4)

Ipinagbubunyi ‘Yong pangalan, Ng ibon na lumilipad; Pinahahayg ng kabundukan; Ikaw ang Poon ng lahat! (Koro)

(5)

Sa dahong hinihipan ng simoy, Tinig Mo’y mapapakinggan; Sa ulan na biyaya ng langit; kabutihan Mo’y makakamtan. (Koro)

SINO AKO

(1)

Hiram sa D’yos ang aking buhay. Ikaw at ako’y tanging handog lamang. Di ko ninais na ako’y isilang ngunit salamat dahil may buhay.

(2)

Ligaya ko nang ako’y isilang, ‘pagkat tao ay mayroong dangal. Sino ma’y pag-ibig, sinong nagmamahal? Kundi an tao, D’yos ang pinagmulan. Kung ‘di ako umibig, kung ‘di ko man binigyan halaga. Ang buhay kong handog, ang buhay kong hiram sa D’yos. Kung ‘di ako nagmamahal, sino ako?

PAGPALAIN KAILANMAN

(Koro)

Nawa’y kahabagan tayo ng D’yos ay pagpalain kailnman. (2x)

(1)

Tayo nawa’y kahabagan ng Ama, tayo’y nilingap N’ya. Makikilala a lupa, Kanyang pagliligtas, pagmamahal. (Koro once)

(2)

Purihin S’ya mga bansa, an Diyos, ang Hari at Ama. Tayo’y magpuri, magdiwang, pagkat katarunga’y namamayani. (Koro once)

(3)

Pinagpala tayo ng D’yos; daigdig N’ya’y tigib kabanalan! Bagong umagang sumikat, napawi an takot at kaba, D’yos nating Ama! (Koro 2x)

MAHAL NA PUSO

(1)

Mahal na puso ni Hesus, kami ay iyong kupkupin, at akitin ang puso namin nang ang grasya Mo ay kamtin.

(Koro)

O Kristo’y dinggin aming panalangin. Laging angkinin ang puso namin.

(2)

Mga puso’y ipininid, alaala’y said. At ang sala ng tao’y hatid --- sugat sa ‘Yong gilid. (Koro)

ITO ANG ARAW

(Koro)

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, tayo’y magsaya at magalak. (2x)

(1)

Magpasalamat kayo sa Panginoon, butihin S’ya, Kanyang gawa’y walang hanggan. Sabihin ng sambayanan ng Israel, walang hanggan, Kanyang awa! (Koro)

(2)

Kanang kamay ng Diyos sa ki’y humango. Ang bisig N’ya sa ‘kin ang tagapagtanggol. Ako’y hindi mapapahamak kailanman. Ipahahayag ko, l’walhati N’ya! (Koro)

(3)

Ang aking Panginoon, moog ng buhay. S’ya ang batong tinangihan ng tagapagtayo. Kahanga-hanga sa aming mga mata gawain N’ya; Purihin S’ya (Koro) (2x)

KINI MAONG AKONG LAWAS

(Koro)

Kini mao’ng akong lawas nga Akong gihatag sa inyong kaluwasan. Dawata kini, dawata kini sa Akong handumanan. Kini ang Akong dugo, gi-ula sa inyong kapasay-lo-an. Dawata kini, dawata kini sa Akong handumanan.

(1)

Niining langitnong kalan-on, gida-wat sa kabus, ang saad nga way kapakyasan, sa namatay sa krus. (Koro)

(2)

Niining langitnong kalan-on, kita makadawat, kalinaw nga Iyang kabilin, kabaskug sa kalag. (Koro)

GINOO SA TANANG HIGAYON

(1)

Ginoo sa tanang higayon, Ania Ikaw kanako. Sa kadaw-on ug sa sala ko, kanko Ikaw nagmahal.

(2)

Daygon ko ikaw Amahan, puno ikaw sa gugma, O Jesus ko, Espiritu Santo, alelu, aleluya.

(Ulitin (1) & (2) then. . .

(Coda) O Jesus ko, Espiritu Santao, alelu, aleluya.

No comments:

Post a Comment