HALINA AT MAGPURI (S)
(Koro)
Halina tayo at magpuri sa D’yos na Poon natin. Kunin gitara’t ito’y tugtugin; awitan S’ya ng himig. Lapitan S’ya’t dakilain; atin S’yang sambahin. Ang Poon duma-law sa atin upang tayo’y tubusin.
(1)
Tignan natin ating paligid, ang karagatan at ang langit; di ba’t ito’y kaakit-akit, punong-puno ng Kanyang pag-ibig? Atin Siyang papu-rihan, pasasalamat ay sambitin. (Koro)
(2)
Tingnan natin ating sarili, isip at puso, biyaya sa ‘tin. Dahil dito tayo’y may dangal; lahat ng ito, sa Kanya nagbukal. Atin S’yang dakilain; pag-ibig N’ya ay ating damhin. (Koro)
(1)
Ang D’yos Ama ating purihin. Kanyang nilikha, igalang natin. Ang D’yos Anak ay ating sundin. Ang landas N’ya ating tahakin. Ang Banal na Espiritu sa ating puso ay pag-alabin.
AWIT NG PAGLAYA
(Koro)
Dinggin himig ng bayabg malaya, awit ng papuri’t pasasalamat. Ang Panginoon ng ating paglaya muling nagpatunay ng pag-ibig N’ya.
(1)
Nakita ng Panginoon hirap ng Kanyang bayan. Mga kaaway Kanyang nilupig. Kanyang iniligtas itong ating bayan. (Koro)
(2)
Halina at magsilapit, purihin sa awit ang Panginoon, D’yos ng pag-ibig. Magalak sa Kanya; tayo’y umawit. (Koro)
(3)
Nakita ng Panginoon hirap ng Kanyang bayan. Mga kaaway Kanyang inusig. Kanyang iniligtas itong ating bayan.
(Katapusa)
Dinggin himig ng bayabg malaya, awit ng papuri’t pasasalamat. Ang Panginoon ng ating paglaya muling nagpatunay ng pag-ibig N’ya… muling nagpa-tunay ng pag-ibi N’ya… Dinggin!
TUMAWAG SA PANGINOON
(Koro)
Kung ika’y nagagalak, tuma-wag sa Panginoon; kung ika’y nalulungkot, tumawag sa Poon. Kung ika’y naha-hapis, tumawag sa Panginoon; sa pagdada-lamhati, tumawag sa Poon.
(1)
Kapag nagagalak at nasi-siyahan, umawit sa Kanya ng kaligayahan: Salamat, Panginoon, sa lahat ng tanan, sa lahat ng tuwa’t kaligayahan. (Koro)
(2)
Sa bukang liwayway, sa iyong pagbangon, magtaas ng noo’t wikain sa Poon: Hindi ko man batid, mangyayari ngayon, sa Iyo ay alay lahat ng iyon. (Koro)
(3)
Balak na matuwid ay kapag nabigo O huwag kang dumaing, awitin lang ito: Bigo ako Ama; iyan ay totoo at tinatanggap ko ng dahil sa ‘Yo. (Koro)
(4)
Kung sa suliranin ay nabibi-gatan, sa Kanya’y ibulong yaring munting dasal: Ama, sa ligalig at sa kahirapan pinaubaya lahat ng bagay. (Koro)
KAILAN PA MAN (W)
Kailan pa man ikaw ang aasahan. Kailan pa man Ikaw ang s’yang lakas. Ang tanging tanggulan ano man ang dumaan. Apoy na siyang ilaw sa ladas. Panatag ka sa puso kong lumbay. Liwanag ka sa kawalang kulay. Tanging hangin sa dagat ng buhay, katapatan Mo sa ‘kin wala nang papantay. Nariyan Ka bagama’t nagkukulang ako. Nariyan ka sa sangandaang kinapapatiran ko. Kailan man, O Dios pag-ibig Mo, kalul’way ligtas dahil sa ‘Yo. Kailan man buhay man Iyong inilaan nang ako’y maligtas sa ‘king kapahamakan. Dakila Ka, O Dios. Kailan pa man.
ISANG DALANGIN (W)
Isang dalangin ng pagma-mahal, ito’y aking dasal sa Maykapal: Sana sa bawat bansa magkaunawaan at matutung magbigayan. Kung mangyari lang sana ito. Anong ligaya ng buong mundo. Sana’y magkaisa ang isip ng tao, payapa ng lahat tayo. Wala ng digmaan pana’y kaunlaran an ating makakatan. (Ulitin)
AKO ANG BUHAY
(Koro)
(At) Bubuhayin kita, at bubu-hayin kita, at bubuhayin kita, ngayon at kailanman.
(1)
Ako ang buhay mo, halina sa Aking piling. Sinomang manalig sa Akin, hindi mau-uhaw, magpakailanman. (Koro)
(2)
Pagkaing handog Ko, ito ay Aking buhay. Sa lahat ng tao’y nalalaan, upang sila’y mabu-hay, magpakailanman. (Koro)
(3)
Ako ang muling pagka-buhay, Ako ang buhay. Sinumang manalig sa akin, kahit siya’y pumanaw, muling mabubuhay. (Koro)
SINO’NG MAKAPAGHIHIWALAY (W)
(Koro)
Sino’ng makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo? Sino’ng makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng D’yos?
(1)
Paghihirap ba, kapighatian, pag-uusig o gutom o tabak? At kahit na ang kamatayan, walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng D’yos. (Koro)
(2)
Ang Ama Kanyang mapagtangkilik, O Anak na nag-alay ng lahat; saan man sa langit O lupa, walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng D’yos. (Koro)
SA PIGING NG PANGINOON
(Koro)
Sa piging ng ating Panginoon, tayo’y laging nagtitipon: upang matutung magmahalan sa pag-ibig na makamtan.
(1)
Buhay ay inialay N’ya sa dakilang D’yos Ama. Upang atin nang makamtan: Buhay na walang hanggan. (Koro)
(2)
Buhay ay inialay upang tayo’y magkaisa, sa paghahatid ng ligaya mula sa pag-ibig N’ya. (Koro)
(3)
May galak na makakamtan sa bawat pagbibigayan, habang buhay ay ingatan ang tapat na samahan. (Koro)
HALINA AT LUMAPIT (S)
(Koro)
Halina at lumapit sa Panginoon. Halina at lumapit sa D’yos
(1)
Na may lalang sa ating lahat, na nagbigay ng buhay sa atin. Na may lalang sa ating lahat, na nagbigay ng buhay sa atin. (Koro)
(2)
Na S’yang ating Ama, nag-mamahal sa atin. Na S’yang ating Ama, nagma-mahal sa atin. (Koro)
(3)
Ililigtas N’ya tayo, sa ating pagkakasala. Ililigtas N’ya tayo, sa ating pagkakasala. (Koro)
ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI
(Koro)
Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon, nagagalak ang aking espiritu, sa ‘king Tagapagligtas.
(1)
Sapgkat nilingap Niya, kababaan ng Kanyang alipin, mapalad ang pangalan ko sa lahat ng bansa. (Koro)
(2)
Sapagkat gumawa ang Poon ng mga dakilang bagay; banal sa lupa’t langit ang pangalan ng Panginoon. (koro)
(3)
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa “Spiritu Santo, kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman. (Koro)
Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon, nagagalak ang aking espiritu, sa ‘king Tagapagligtas.
BAYAN UMAWIT (E)
(Koro)
Bayan umawit ng papuri, sapagkat ngayon ika’y pinili, iisang bayan, iisang lipi, iisang hari. Bayan umawit ng papuri. Bayan umawit ng papuri.
(1)
Mula sa ilang ay tinawag ng D’yos. Bayang lagalag inangkin nang lubos, ‘pagkat kailan ma’y di pababayaan, minamahal N’yang kawan. (Koro)
(2)
Panginoon ating Manliligtas, sa kagipitan, S’yang tanging lakas, ‘pagkat sumpa N’ya’y laging iingatan, minamahal N’yang Bayan. (Koro)
SI YAHWEH AY PURIHIN
(Koro)
Si Yahweh ay purihin awitan ng bagong awit. Purihin sa pagtitipon ng tapat sa pana-nalig. At magalak kIsrael, dahilan sa Manlilikha; Dahilan sa iyong hari, ikaw, Sion, ay matuwa.
(1)
Purihin Siya sa pagsasa-yaw, purihin Kanyang pa-ngalan; Alpa’t tambol ay tugtugin, at siya ay papu-rihan. Si Yahweh ay naga-galak sa Kanyang mga hini-rang; Sa mga nangagpa-kumbaba’y tagumpay ang ibibigay. (Koro)
(2)
Sa tagumpay na natamo magalak ang mga hirang. Sa kanilang pagpipista’y magsaya’t mag-aawitan. Sa pagpupuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan. Ito ang kalwalhatian ng Kan-yang mga hinirang. (Koro)
PANGINOON AY PURIHIN (E)
(Koro)
Panginoon ay purihin ngalan N’ya ay dakilain.
(1)
Panginoon, Ikaw ang may likha ng langit, dagat at lupa; ng b’wan, araw at mga bituin; tanang nilalang sa papawirin. (Koro)
(2)
Lalagablab sa silangan, pagmamahal Mo sa tanan. Pag-ibig Mo ay walang hanggan. Ito’y mananatili kailanpaman. (Koro)
HAMON NG PAG-IBIG (E)
(Koro)
Dinggin, dinggin ang hamon ng pag-ibig, sa D’yos ay magpugay at umawit; buk-san ang puso bukal ng Ligaya; ibahagi sa nangu-ngulila, ngayon.
(1)
Ang D’yos na sa ating piling, damhin at purihin. Sa Kanya ay ibabalik-handog ang buhay na kaloob. (Koro)
(2)
Banal na Salita ng D’yos tanglaw at pag-asa, sa mundo ay isabuhay ang utos ng ating D’yos. (Koro)
(3)
Banal na Hapag-kainan ating pagsasaluhan, sa mundo ay nagbibigay, lakas at kagalakan. (Koro)
VISAYA
DAYGON TA ANG GINOO
(1)
Daygon ta ang Ginoo, uban sa mga bag-ong awit, Ang kalipay ta isinggit, ang Ginoo labing hingpit. Daygon ta ang Ginoo, uban sa mga instrumento; Ang kalipay ta isayaw, O bulahang Adlaw!
(Koro) Tugtuga na ang gitara! Ipalanog na ang trompeta! Ang Ginoo sa gugma, pasalamatan ta! Tugtuga na ang gitara! Ipalanog na ang trompeta! Salamat, Ginoo sa Imong kaayo
(2)
Daygon ta ang Ginoo, Siya tuburan sa kaayo; Sa pasaylo’g paghigugma, wa nay sama Kaniya. Daygon ta ang Ginoo, uban sa Katawa’g hudyaka; O Hari sa mga hari sa langit ug yuta! (Koro)
LUNGSOD NGA BALAAN (E)
(1)
Lungsod nga balaan, ania ta karon sa pagdayeg sa Ginoo ang atong kaluwasan.
(Koro) Parianon’g Lungsod Harianon’g Lungsod awit, pasalamat, tibuok nasud!
(2)
Lungsod nga palaran, ania ta karon sa pag-awit sa himaya, sa gugma ug paglaum. (Koro)
(3)
Lungsod nga pinili, ania ta karon pagsaulog sa kahamili, sa atong kinabuhi. (Koro)
(4)
Lungsod nga bulahan, ania ta karon naghiusa sa atong gugma sa kalipay’g hudyaka. (Koro)
(5)
Lungsod nga halangdon, lig-onon ta karon ang pagtoo sa ‘tong Ginoo ang atong manu-nubos. (Koro)
KAY KITA USA RA (R)
(Koro)
Kay kita usa ra sa gugma ni Kristo, Kon mamatay kita uban kaniya, Mabanhaw kita sa kinabuhing dayon.
(1)
Kon sa imong kinabuhi, gugma ang gadasig, Ayaw na pangita ug lain pang butang, Kay ang Ginoo anaa kanimo. (Koro)
(2)
Kon aduna kay igsoon nag-antus sa kasakit; Lig-ona ang pagtuo sa langitnong gahum, Kay ang Ginoo mao ang paglaum. (Koro)
(3)
Kon ang imong kasingkasing napuno sa kalipay, Kalipay ihatag mo sa mga nagsubo, Ang pahiyum mo, mabalik kanimo. (Koro)
PAGPAAMBIT SA PANAHON (R)
(1)
Atong-I-ambit ang panahon sa tanan tang mga igsoon; lakip ang atong galamhan ug bahanding atong na-angkop. Magtambayayong kitang tanan sa pagtukod ug kati-lingban, katilingban nga Kristohanon, katilingban nga maamgohon.
(2)
O! Ang pagbag-o sa kasing-kasing ang labing mahinung-dahon. Kagawasan sa katungdanan, kitang tahanan may kaakuhan. Kon magma-lig-on sa Diosnong Gugma, ang kalampusan maangkon ta.
(3)
Sa kahiusa atong tabangan ang tanang way kagawasan. Ang hustisya atong dapigan, kay tawag man sa kahitas-an! (Koro)
KAHIUSA (R)
(1)
Pamalandong sa butang labing bilihon, baliktaw-aw sa kagahapon. Kahiusa sa damgo’g pangingkamot; karon ug sa adlaw’ng moabut.
(Koro)
Ang tanan sa usa ka katu-yuan: pagkab-ut sa kina-tibuk-an nga tawhanon’g kaluwasan, ang diwa sa kahingpitan. Kahiusa sa pagbati, kahiusa sa atong mithi, pagtuo’g paghigugma, paglaum nga way sama. (2x)
(2)
Ug bisan sa namatud-ang katalagman, nagapabilin sa katawhan, ang kalig-on sa buhing baruganan; pagsalig sa Dios nga Amahan. (Koro)
(Coda) Pagtuo’g paghigugma, paglaum nga way sama.
Koro: Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya! Magsiawit sa Panginoon.
Purihin, purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag, ipahayag ang dulot n’yang kaligtasan. (K)
Kayong mga angkan, maghandog sa Poon: luwalhati at papuri, ialay sa Panginoon. (K)
Dakila ang Poon, dapat na pirihin, S’yang nagbigay, S’yang nagbigay ng langit sa ating lahat.
Koro: Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya! magsiawit, magsiawit, magsiawit sa Panginoon, sa Panginoon!
KULANG PA ANG AWITIN:
ReplyDeletePURIHIN ANG PANGINOON
PURIHIN ANG PANGINOON,
SI KRISTO AY NARITO NA!
TANGING LAKAS AT PAG-ASA
ALELUYA-A-ALELUYA!
(1)
PURIHIN ANG PANGINOON,
PAGDIRIWANG SA PAGDATING NIYA
NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU!
SI KRISTO AY NARITO NA!
ALITAN AY IWASAN NA!
TAYO AY TUTULUNGAN NIYA! (KORO)
(2)
TANGING LAKAS AT PAG-ASA,
NARIRITO SA TUWINA
NAKAKAHANDANG TULUNGAN NIYA.
ALELU-ALELUYA LAGI SIYA ANG KASAMA
SA HIRAP MAN AT GINHAWA (KORO)