TAGALOG
MAGALAK, BAYANG TINUBOS!
(Koro)
Sumigaw ka ng papuri bayan ng Dios. Sapagkat ikaw ang bayang tinubos. Magalak kayong lumapit sa Kanya, Siya ang Dios ng hapis at tuwa.
(1)
H’wag kayong mangamba, buong pusong manalig sa Kanya. Siya’y hindi tatahimik hanggat hindi kayo lumaya. (Koro)
(2)
Ang ‘yong mga kaaway ay Kanyang parurusahan (Nang lubos), ang inyong pawis at dugo ang siyang didilig sa Kanyang puso. (Koro)
(3)
Ang ‘yong mga pagpapagal sa gabi at araw (at araw), ‘yan ay kalulugdan ng Dios sapagkat ikaw ang bayang tinubos. (Koro)
MAGALAK TAYO AT MAGPURI
(1)
Magalak tayo at magpuri sa mapagmahal nating Ama. Kagandahan ng kalikasan sa ati’y Kanyang nilikha. Tao’y Kanyang kawangis, di Niya malimutan.
(2)
Magalak tayo at magpuri kay Kristong Anak ng Dios Ama. Kanyang buhay inialay upang tayo ay maligtas. Tayo’y kanyang kawangis, buhay nati’y ialay.
(3)
Magalak tayo at magpuri sa Espiritung ating tanglaw. Kanyang ilaw inialay, liwanag ng santinakpan. Tayo’y kanyang kawangis, ilaw ng sanlibutan.
(Koda:)
law ng sanlibutan!
AWIT NG PAPURI AT PASASALAMAT
(Koro)
Sumigaw sa galak ang mga nilalang at purihin ang Dios na may kagalakan. Wagas na papuri sa Kanya ibigay, ito ang sabihin sa Dios na dakila.
(1)
Ang mga gawa Mo ay kahanga-hanga. Yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay Mong kapangyarihan. (Koro)
(2)
Ang lahat sa lupa, ika’y sinasamba. Awit ng papuri, yaong kinakanta. Ang Iyong pangala’y pinupuri nila.
(Koro)
(Koda:)
Ito ang sabihin sa Dios na dakila!
MAGPURI SA PANGINOON
(Koro)
Magpuri kayo sa Panginoong D’yos, lahat ng santinakpan. Magsiawit kayo at Siya’y ipagdangal magpakailanman.
(1)
Magpuri kayo, mga anghel ng D’yos, sa Panginoong Maykapal. Magpuri kayo, mga langit, sa D’yos na sa ‘nyo lumikha. (Koro)
(2)
Magpuri kayo sa Panginoon, buwan at araw at bitwin. Umawit sa Kanyang kara-ngalan, ulan at hamog at hangin. (Koro)
(3)
Tanang mga tao sa buong mundo, banal at mababa-bang puso, purihin ninyo ang Panginoon, sa sala tayo’y hinango. (Koro)
MAGSIAWIT SA PANGINOON
(Koro)
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya! Magsiawit sa Panginoon.
(1)
Purihin, purihin ang Kanyang Pangalan. Ipahayag, ipahayag ang dulot N’yang kaligtasan. (Koro)
(2)
Kayong mga angkan, mag-handog sa Poon: Luwalhati at papuri, ialay sa Panginoon. (Koro)
(3)
Dakila ang Poon, dapat na purihin, S’yang nagbibigay, S’yang nagbibigay ng langit sa ating lahat.
(Katapusang Koro:) Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya! Magsiawit, magsiawit, mag-siawit sa Panginoon, sa Panginoon!
ITO ANG BAGONG ARAW
(1)
Ito ang bagong araw, ito’y araw ng tagumpay: Anak ng Tao’y nabuhay, Siya’y ating parangalan. Si Hesus muling nabuhay, sa kamataya’y nagtagumpay.
(2)
Magalak, huwag ng lumuha, hinago ang tao sa sala, Kristo Hesus, tunay kang Hari, kami’y sa Yo’y mag-pupuri. Sa krus, Ika’y namatay, ngunit muli Kang nabuhay.
(3)
Aleluya, leluya, aleluya! Aleluya, leluya, aleluya! Aleluya, leluya, aleluya! Aleluya, leluya, aleluya! (Katapusan:) A--le--lu--ya!
PURIHI’T PASALAMATAN (W)
(Koro)
Purihi’t pasalamatan sa masayang awit. Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig.
(1)
Sa ‘Yo, Ama, salamat, sa mayamang lupa’t dagat, at sa magandang kalikasan, at sa aking tanang buhay. (Koro)
(2)
Salamat din kay Kristo, sa Kayang halimbawa, at sa buhay Niyang inialay, sa ating kaligtasan. (Koro)
(3)
At sa Espiritu Santo, salamat sa ‘Yong tanglaw, na nag-bibigay ng liwanag sa taong humahanap. (Koro)
TAMBULI NG PANGINOON (W)
(Koro)
Tambuli ng Panginoon, lagi nating pakinggan. Sinuman at saan man, lahat tayo’y magmahalan.
(1)
Lahat tayo ngayon ay maligaya sa pagpupuri sa ating Ama. Tinanggap nati’y buhay at pagmamahal na sa puso’y bubukal. (Koro)
(2)
Sa paglalakbay kahit saan man, ang bawat kapwa ay kaibigan. Pag-ibig at buhay ng Poong Maykapal sa lahat ipamigay. (Koro)
(3)
Ang kaunlaran ng ating bayan, pag nagbayanihan makakamtan, ang kapaya-paan ay hatid sa tanan ng ating Panginoon. (Koro)
HUMAYO TAYO (W)
(Koro)
Humayo tayo’t ating ipaha-yag: pagmamahal Niya, Diyos nating lahat; humayo tayo’t ating ipahayag: ang Kanyang kadakilaa’y ating isiwalat, ang Kanyang kada-kilaa’y ating isiwalat.
(1)
Sa lahat ng mga gawai’t tungkulin, sa mga pagtahak sa bawat landasin. Sa pangungulila at mga tiisin, ang Diyos ay kasama, ‘ya’y alalahanin.
(2)
Sa anumang balak na baba-likatin, doon ay isama ang D’yos Ama natin, at pagma-mahal ay pag-ibayuhin, upang lumigaya buong bayan natin. (Koro)
MAGPASALAMAT KAYO SA PANGINOON (W)
(1)
Magpasalamat kayo sa Panginoon, na S’yang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo. Siya’y gumawa ng buwan at mga bituin, upang magbigay liwanag sa pagsapit ng dilim. O magpasalamat sa Kanyang mga biyaya at awa.
(2)
Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil sa kaganda-hang loob Niya’y magpakailan-man. At papurihan ang Diyos habambuhay, na S’yang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel. O ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin.
(3)
(Katapusan)
O magpasalamat sa Kanyang mga biyaya at awa. At ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin. O mag-pasalamat sa Kanyang mga biyaya at awa.
PANANAGUTAN (W)
(1)
Walang sinumang ang nabu-buhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang nama-matay para sa sarili lamang.
(Koro:)
Tayong lahat ay may pana-nagutan sa isat-isat. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya.
(2)
Sa ting pagmamahal at pagli-lingkod sa kanino man. Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan. (Koro)
(3)
Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa. Tayo’y tinuring ng Panginoon bilang mga anak. (Koro)
MAPAPALAD (W)
(1)
Mapapalad kayong mahi-hirap, ang kaharian ng D’yos sa inyo. Mapapalad kayong nagugu-tom, sapagkat bubusugin kayo. Mapapalad kayong nahahapis, sapagkat aaliwin kayo.
(Koro:)
Mapapalad, Panginoon, ang abang katulad Mo.
(2)
Mapapalad kayong maa-wain, kaaawaan kayo ng Diyos. Mapapalad kayong tumatangis, sapagkat lili-gaya kayo. Mapapalad kayong inuusig, maghahari ang Diyos sa inyo. (Koro)
PURIHIN ANG PANGINOON
(Koro)
Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan, at tugtugin an gitara at ang kaaya-ayang lira, hipan ninyo ang trompeta.
(1)
Sa ating pagkabagabag, sa D’yos tayo’y tumawag. Sa ating mga kaaway, tayo ay Kanyang iniligtas. (Koro)
(2)
Ang pasaning mabigat, sa ‘ting mga balikat. Pinagaan nang lubusan ng D’yos na Tagapagligtas. (Koro)
(3)
Kaya Panginoo’y dinggin, ang landas N’ya’y tahakin. Habambuhay ay purihin, kagandahang-loob N’ya sa ‘tin. (Koro)
PAGMAMAHAL SA PANGINOON
(Koro:)
Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan; ang Kanyang kapuriha’y manatili magpakailanman.
(1)
Purihin ang Panginoon, Siya’y ating pasalamatan: sa pagsasama at pagtitipon ng Kanyang mga anak. (Koro)
(2)
Dakilang gawain ng D’yos, karapat-dapat pag-aralan, ng tanang mga taong suma-samba sa Kanya. (Koro)
(3)
Kahanga-hanga ang gawa ng D’yos ng kal’walhatian, handog ay kaligtasan, sa atin ‘binibigay. (Koro)
BUKLOD NG PAG-IBIG (S)
(Koro)
Buklod ng pag-ibig, tayo ay sumamba, sa pagkakaisa, purihin S’yang aba.
(1)
Purihin, purihin at ating sambahin, ang D’yos ng pag-ibig nagmamahal sa ‘tin. (Koro)
(2)
Iwalay sa puso, sama ng loob, alita’y iwaksi’t ibaon sa limot. (Koro)
(3)
Sa hapag ng D’yos ang lahat ay kapatid, ang Ama’y pag-ibig at sa atin ‘ya’y hatid. (Koro)
ANG ESPIRITU NG PANGINOON
(Koro)
Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon; ako’y hinirang N’ya upang tumugon sa daing ng mga aba at ihatid sa mga dukha ang Magan-dang Balita ng Kaligtasan.
(1)
Sinugo ako upang ipahayag ang kalayaan sa mga bihag. Bigyan paningin ang mga bulag, dalhin ang nasa dilim sa may liwanag. (Koro)
(2)
Ang inaapi at mga sinisiil ay hahanguin sa mga hilahil. Ipapahayag ang pagsapit ngayon ng tanging pagli-ligtas ng Panginoon. (Koro)
ISANG PANANAMPALATAYA (W)
(Koro)
Isang pananampalataya, isang pagbibinyag, isang Panginoon, angkinin nating lahat.
(1)
Habilin ni Hesus, noong Siya’y lumisan: Kayo ay magkatipon sa pagma-mahalan. (Koro)
(2)
Ama, pakinggan Mo, ang aming panalangin: Dalisay na pag-ibig sa ami’y sumapit. (Koro)
(3)
Mga alagad Ko, pa’no maki-kilala? Tapat nilang pag-ibig, wala nang iba pa. (Koro)
(4)
Kaya nga, O Ama, sana’y iyong hawian ang aming mga puso ng mga alitan. (Koro)
(5)
Tingnan Kanyang dugo sa ati’y iniligwak; ngayon ay sundan natin Kanyang mga yapak. (Koro)
PAG-AALAALA (S)
(Koro)
Bayan, muling magtipon, awitan ang Panginoon. Sa piging sariwain: Pagliligtas N’ya sa atin.
(1)
Bayan, ating alalahanin, panahong tayo’y inalipin nang ngalan N’ya’y ating sambitin. Paanong di tayo lingapin. (Koro)
(2)
Bayan, walang sawang puri-hin, ang Poon nating maha-bagin. Bayan, isayaw ang damdamin, kandili N’ya’y ating awitin. (Koro at Koda)
(Koda) Sa piging sariwain, pagliligtas N’ya sa atin.
No comments:
Post a Comment