1. STELLA MARIS
(1)
Kung itong aming paglalayag, inabot ng pagkabagbag. Nawa’y mabanaagan ka, hinirang na tala ng umaga.
(2)
Kahit alon man ng pangamba, di alintana sapagkat naro’n ka, ni unos ng pighati at kadiliman ng gabi.
(Koror)
Maria, sa puso ninuman, ika’y tala ng kalangitan. Ningning mo ay walang pagmamaliw, Inang sinta, Inang ginigiliw.
(3)
Tanglawan kami, aming Ina, sa kalangitan naming pita, nawa’y maging hantungan, pinakamimithing Kaharian.
(Ulitin ang Koro ng 2 beses)
2. MARIANG INA KO
(1)
Sa ‘king paglalakbay, sa bundok ng buhay, saligaya’t lumbay, maging talang gabay.
(Koro)
Mariang Ina ko, ako ri’y anak mo, kay Kistong Kuya ko akayin Mo ako, kay Kristong Kuya k akayin Mo ako.
(2)
Maging aking tulay, langit kong pakay, sa bingit ng hukay tangnan aking kamay. (Koro)
(3)
Sabihin sa Kanya, aking dusa at saya, ibulong sa Kanya, minamahal ko S’ya.
3. INANG MINAMAHAL
(1)
Inang minamahal, si Hesus sa iyo ‘sinilang. Inang sinisinta, ang Diyos sa ‘yo nagpala. Inang miamahal, kay Hesus kami’y ‘yong ialay. Ilaan sa Kanyang Kaharian, upang Diyos ay maparangalan. Ilaan sa Kanyang Kaharian, upang kapwa’y mapaglingkuran.
(2)
Inang minamahal, ni Hesus aming mananakop, Inang sinisinta ng lahat mong mga anak; nawa’y ilawan mo ang landas naming tatahakin, kaligtasan namin at pag-asa, tulong ng iyong panalangin. Sa harap ng amig kamatayan, O Ina kami’y ‘yong aliwin.
(3)
Inang minamahal, kalingain kami’t turuan: na matularan ka, sa iyong laging paglingap. Buksan aming kamay sa ‘ming kapwang baon sa hirap: sa kanyang kalayaan ay buhay, maialay ang pagsisikap. At higit kung ito’y kailangan, katawa’t buhay man itaya.
No comments:
Post a Comment